Sam Milby, mas abala ngayon sa career kaysa lovelife

throy Catan

Ni: Throy Catan

sam milby

SINGLE muli ang singer-actor na si Sam Milby dahil kamakailan naghiwalay na sina Sam at ang TV host-blogger-model na si Mari Jasmine.

Sa ngayon hindi pa nagbigay ng detalye ang Kapamilya actor tungkol sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Nitong nakaraang Pasko, kasama ni Sam na nagdiwang sina Erik Santos at Angeline Quinto para sa show nila sa New York, USA nakasama rin nila roon ang Cornerstone managers sa pangunguna ni Erickson Raymundo.

Sa pagsalubong naman ng bagong taon ay kasama naman niya ang kanyang mga magulang; tumuloy siya ng Ohio pagkagaling ng NYC.

Sa pagpasok naman ngayon taon 2018 masaya at produktibo daw para kay Sam, na magiging abala sa kabi-kabilang proyekto na pagtutuunan naman daw niya ng oras.

Sa first quarter ng taon ipalalabas ang pelikula nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films at IdeaFirst, ang Pambansang Thirdwheel na dapat daw abangan ng kani-kanilang mga supporters o mga fans.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s