Isabelle Daza, naging Grab driver for a day

throy Catan

Ni: Throy Catan

HALOS hindi makapaniwala ang dalawang pasahero nang malaman na ang aktres na si Isabelle Daza ang kanilang driver nang mag-book sila ng Grab.

Sa video kuha ni Isabelle ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, ang naging karanasan niya bilang Grab driver at, take note, hindi alintana ang pagiging buntis niya para sa challenge na ito.

Humiram siya ng TNVS (transport network vehicle service) sa isang tinawag niyang Kuya Domingo. Humingi pa ang aktres ng tip kay Kuya Domingo kung paano makakakuha ng five-star rating mula sa mga pasahero. Maging magalang at mainit na pagbati sa mga pasahero ang tips na ibinigay nito kay Isabelle.

Kinailangan pang mag-adjust ni Isabelle nang malaman na manual transmission ang TVNS na nahiram.

Ito ang unang reaksyon ni Isabelle: “OMG! Stick shift s’ya,”

Nagsimula ang kanyang ‘stress’ nang may isang pasahero ang nag-book sa kanya.

Nang ma pick-up na niya ang unang pasahero niya laking gulat nang malaman na ang socialite na aktres ang kaniyang driver. Ganoon din ang reaksiyon ng ikalawang pasahero.

“Oh, my God! What’s going on?” Sey ng una pasahero na nakipag chikahan ng bongga kay Isabelle.

Di naman makapaniwala ang panglawang pasahero na lalaki na identify niya agad ang aktres: “No way! My gosh… It’s that really you Isabelle Daza?” Na mukhang avid fan pa ni Isabelle. Hindi naman pinalampas ng dalawang pasahero ang makipag-selfie kay si Isabelle pagkababa ng mga ‘to.

Pagtatapos ng kanyang araw bilang Grab driver, sinabi ng aktres na masaya siya at naging maayos ang lahat dahil na rin umano sa mga pasahero niyang ‘pleasant to be with.’

Nangako naman si Isabelle na mas magiging “nicer” siya sa mga driver dahil hindi pala biro ang maging driver lalo na’t dito sa pilipinas na ubod ng traffic.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s