Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, magsasama muli sa bagong pelikula

throy Catan

Ni: Throy Catan

kitakitaMAGSASAMA muli sa ikalawang pagkakataon ang tambalang Alempoy. Ang aktres na si Alessandra de Rossi at komedyanteng si Empoy Marquez  ay muling magpapakilig sa isang bagong pelikula.

 

Nakatakdang gawin ang pelikula ngayong 2018 matapos ang tagumpay ng una nilang tambalan sa ‘Kita Kita’ na naging highest-grossing indie film matapos kumita ng mahigit P320 milyon.

Sinabi ni Empoy na may inaayos pa sa sinasabing pelikula na tiyak daw na aabangan ng mga tao. Sey ni Empoy: “Merong inaayos at aabangan ng mga tao ‘yun, para sa inyo ulit ‘yun!… Mukhang na pressure nga kami this time sana suporthan pa din kami ng mga viewers.”

Chika naman ni Alessandra,”Actually mas malaki ang kaba namin sa panibagong pelikula gagawin namin ito, pero sana ‘wag magsawa ang mga Alempoy fans. Assuming!” Sabay tawa ng actress.

Sa ngayon wala pang kumpletong detalye ang nasabing pelikula pero ayon kina Alessandra at Empoy tiyak daw na mas magugutuhan ito ng mga followers nila dahil mas paghahandaan at pagagandahin daw nila ang ikalawang pagsasama nila sa nasabing pelikula.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s