Dennis Trillo, sigurado na si Jennylyn Mercado ang kanyang “The One”

throy Catan

Ni: Throy Catan

Dennis trilloAMINADO ang aktor na si Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado na ang “The One” para sa kanya bagamat wala man daw  kasiguraduhan kung kailan, ay tiyak niyang darating din daw ang araw ng kanilang kasal.

Inamin ni Dennis na kasal na lang ang kulang sa kanila ni Jen. Aniya: “Yon na nga lang siguro ang kulang. Pero darating din ‘yon. Malalaman n’yo rin naman ‘pag dumating na ‘yung araw na ‘yun,..”Sa ngayon we’re both happy at kontento kami kung ano meron sa amin.”

Ayon pa kay Dennis hindi na raw niya pakakawalan pa ang nobya. Sigurado na raw siya na si Jen na ang makatutuluyan niya. Dagdag pa niya, unti-unti na rin naman daw pinaplano ang tungkol sa kasal nila.

“Siyempre, may mga kanya-kanyang careers pa kaming kailangang asikasuhin. Sa ngayon, ‘yon muna. Pero darating tayo d’yan dapat lang perfect timing at ready na kmi talaga, parang ganun!”

Samantala, masaya naman si dennis sa pagbabahagi ni Jen sa Instagram ng mga larawan kuha sa kanilang adventures bilang magkasintahan, pati na rin ang bonding moments nila kasama ang kanilang mga pamilya sa buong 2017.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s