Mark Bautista, nagbigay detalye tungkol sa kanyang lovelife sa kanyang ginagawang memoir

throy Catan

Ni: Throy Catan

Mark-BautistaSA kauna-unahang pagkakataon, ibabahagi ng singer-stage actor na si Mark Bautista ang kanyang love life sa publiko, sa pamamagitan ng kanyang memoir na malapit nang ilabas.

Magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman ni Mark sa ngayon. Kuwento niya: “May isang chapter na tinawag ko na parang love lessons or something. Lahat doon, na-narrate ko. Alam mo sa mga interviews ko, never akong nagsalita tungkol sa love life. Andoon din yung mga bagay-bagay. I think, sana ma-embrace nila. Sa mga dumarating sa buhay mo, may purpose, so I think lahat ng nangyayari sa buhay ko, may purpose lahat. Ipinagdarasal ko ito, hinihingi ko yung, ‘Lord, tama ba itong ginagawa ko,”

View this post on Instagram

ME #beyondtheMark #2018

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Dagdag pa ni Mark: “Even with the release of the book, October 2017 ang gusto ko. Pero for some reason, nag-iiba yung schedule, hanggang sa naging January 2018. So, nag-let go na lang ako. I don’t know kung bakit kung ano yung gusto ko, hindi nangyayari. Baka may reason. So, kapag may mga ganoong bagay, hindi ko masyadong pinipilit. Mas tinitingnan ko siya na baka may reason kung bakit ganoon,”

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahayag tungkol sa kanyang personal na buhay at isa publiko ito. Maraming nakakakilala kay Mark na very private ang kanyang personal na buhay. Pero sa paglalahad niya ng kanyang perosnal na buhay ito na daw ang panibagong aklat ng kanyang buhay.

“It’s the start of a new journey. I think, na-tackle ko naman (sa book) ‘yong ups and downs ko, not just in my career, but in my personal life. I think may mapupulot sila na aral sa stories na ibinigay ko. Ayokong i-assume na, okay, iiyak kayo dito o baka iiyak ‘yong mga tao. Gusto ko lang i-share ‘yong totoo, kung ano ‘yong nangyari talaga. Bahala na sila mag-interpret. Actually, no’ng natapos ko na siya, para akong mas mabigat ‘yong tanong ko sa sarili: ‘Okay, what’s next? Kasi parang naisulat ko lahat ng nangyari, ‘yong past,” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s