Coco Martin, may tampo raw sa Star Cinema at ABS-CBN?

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAY usap-usapan na may tampo sa ABS-CBN ang aktor na si Coco Martin dahil sa naging pagkatalo ng kanyang pelikulang Ang Panday laban sa The Revengers Squad ni Vice Ganda? Marami ang nagtatanong kung gaano katotoo ang usapin na may malaking tampo si Coco sa Star Cinema-ABS-CBN dahil mas pinaboran umano ng network sa promotion ang pelikula ni Vice sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sina Coco at Vice ay parehas contract star ng ABS-CBN, ngunit marami ang usapin na naramdaman daw ni Coco ang pag pabor umano sa proyekto ni Vice.

coco-vice

Pero paniniwala naman ng ilang nakasubaybay sa promotion ng kanilang mga pelikula, hindi pinabayaan ng ABS-CBN ang pelikula ni Coco. Malaking tulong lang daw talaga kay Vice ang pagkakaroon niya ng daily show, ang It’s Showtime, dahil napakaganda raw nitong avenue upang ma-promote ang isang pelikula.

Bagamat malakas ang Ang Probinsyano ay hindi naman puwedeng mang-imbita sa kanyang serye si Coco dahil hindi ito live, kumpara sa programa ni Vice na It’s Showtime na anytime pwede mag promote.

Sa ngayon wala pa ring reaksyon si  Coco tungkol dito kung talaga may namamagitan na isyu o tampo siya sa kampo ng sarili niyang network.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s