Pia Wurtzbach, Megan Young at Kylie Versoza, tampok sa cover ng Harper’s Bazaar Vietnam

throy Catan

Ni: Throy Catan

pia kylie megan

NAPAGSAMA-sama ang mga tinitingalang beauty queens ng Pilipinas, kaya naman lumikha ng ingay sa social media ang ‘back to back to back’ photo nina Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss World 2013 Megan Young na kinunan pa sa Harpers Bazaar Vietnam para sa isang fashion shoot.

Maraming pumuri at humanga sa larawang ito, subalit may ilang netizen na bumatikos kay Megan at sa management team nitong Aces and Queens dahil ‘cropped’ daw ang larawan at hindi isinama si Miss Earth 2015 Angelia Ong.

Ito ang naging komentaryo ng isang netizen: “Kasama pala diyan sana si Angelia Miss Earth pero inedit out, grabe naman kayong taga Aces and Queens, ayaw masapawan o pantayan man lang, hayok sa kasikatan ang amo niyong si Empire . . . Kakadismaya naman kayo . . .”

Si Angelia Ong ay nagmula sa talent camp na Kagandahang Flores ni Rodgil Flores, mahigpit na karibal ng Aces and Queens ni Jonas Gaffud kung saan nagmula naman sina Kylie, Pia at Megan.

Dahil dito agad dumipensa si Megan sa hindi magandang paratang ng netizen. Sagot ni Megan sa nasabing netizen: “I think your comment is malicious and for you to think that we or Aces and Queens ‘took her out’ like you said is merely an assumption that you have. Please stop trying to spread rumors as none of this is true. She wasn’t edited out. She just wasn’t there when we shot this layout. Final say is always with the production and the editorial staff at kailangan nilang tapusin yung prepared layouts. Hindi namin gagawin un na hindi mag sama ng iba  the people around us can vouch for that. If anything, nasayangan nga kami kasi hindi kami kumpleto.”

Dagdag pa niya:  “We’re not about kasikatan or whatever superficial notion you are trying to put across. In regards to them not publishing a photo with Angelia, I’m hoping, like you, that one will be posted. But please do not put the blame on us.”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s