Angelica Panganiban, inamin na iniyakan niya ang mga nagdaang kabiguan sa pag-ibig

throy Catan

Ni: Throy Catan

angelica-panganiban2KAMAKAILAN sa ginanap na digital conference ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes ay punung-puno ng hugot ang mga sagot ni Angelica Panganiban sa mga tanong tungkol sa relasyon.

Inamin niya rito na kanya ring iniyakan ang mga nagdaang kabiguan sa pag-ibig at talagang nakatulong sa kanya ito.

Paliwanag ni Angelica: “Naiyak ko naman na lahat. Normal ‘yon, ha, kapag may pain kang dinadaanan. ‘Yan ang gusto kong linawin. Kasi, ‘yon ang natutunan ko talaga, i-embrace mo ‘yong pain, i-embrace mo ‘yong journey. Kasi kapag pinilit mong takbuhan, na hindi, okay ka na, hindi siya magwu-work at all. Dapat pala talagang i-embrace mo siya. Kapag naiiyak ka, iiyak mo. Kapag nahihiya kang umiyak sa harap ng maraming tao, e ‘di magtago ka, umiyak ka. Kasi, dun ka talaga matututo. Doon mo makikita ‘yung sarili mo na, ‘Uy, girl, ang chaka na. Bangon na, girl, tama na,”

View this post on Instagram

Ang Dalawang Mrs Reyes 🎬

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Kuwento niya pa sa kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig ang pinakamaganda raw na i-embrace na lamang ito at tanggapin, dahil one day magugulat ka na lang, wala na ang bitterness sa sarili mo.

May proseso daw ang lahat pero sa ngayon mas alam na niya kung paano mas maging malakas sa isang relasyon.

“Mas kaya ko na kasi ngayon kumpara noon , mas matatag na ako pagdating sa larangan ng pag-ibig ang importante lang dapat may closesure pa rin, pero kung wala na talaga ikaw na mismo ang magbigay nito sa sarili mo para mas madali kang maka move-on sa buhay mo.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s