Cherie Gil, ikinuwento tungkol sa kanyang iconic na linya sa pelikulang Bituing Walang Ningning

throy Catan

Ni: Throy Catan

cherie gil

ISA sa pinakapopular na linya noong 1985 sa pelikulang Bituing Walang Ningning, ang linyang pinagusapan mula noon hanggang ngayon ay click pa din sa madlang people ang “You’re nothing but a second rate trying hard copycat”, ito ang sinambit noon ni Laviña Arguelles; ang papel na ginampanan ng aktres na si Cherie Gil.

Sa panayam kay Cherie Gil sa programang Tonight with Arnold Clavio, hindi niya kailanman naisip na magiging iconic ang linya noon sa nasabing pelikula. Aniya: “Alam mo hindi ko rin alam kasi wala sa amin ang nag-expect na makarating sa ganoong klaseng iconic na tatak na pati ‘yong mga hindi pa napanganak noong panahon na ‘yon e alam,”

Kuwento pa niya maaari na noong panahong iyon daw ay marami ang natagpuan ang sarili nila sa nasabing eksena kung saan nabanggit ang linya. Dugtong pa ng beteranang actress: “Yong paggawa ng pelikula noong araw kasi iba e, ‘di ba? May pagka-campy ‘yong mga linya, may mabibigat na Tagalog, and the story goes na hindi dahil sa may kontrabida’t may bida. May pinaglalaban ‘yong dalawang babae na prinsipyo at ‘yong kanilang gusto sa buhay, na walang mali. ‘Yong isa love, ‘yong isa career. Hindi ‘yong basta-bastang nag-agawan ng asawa, whatever, walang ganun. The most important was they were empowered by their desires in life. Marami nag-identify doon at saka siguro maganda talaga ‘yong linya e,”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s