John Prats, pinagdarasal na magkaroon ng lalaking magpapasaya kay Angelica Panganiban

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAY wish ang aktor na si John Prats para sa best friend niyang si Angelica Panganiban, na sana dumating na ang tamang lalaki para sa actress. Kuwento ng actor na si John Prats,  ang best friend daw niyang si Angelica ay isang mabait at sensitive na tao kaya hangad niya na makatagpo na ito ng lalaking magpapasaya sa kanya, iyong hindi siya lolokohin at iiwanan lang. “Dati wini-wish ko na dumating iyong tamang lalaki para sa kanya. Ngayon pinagdarasal ko na. Sobrang magmahal kasi ‘tong si Ange, e. Kung ang boyfriend niya ay sporty, pati siya ay sporty. Ganoon siya ka-submit. Noong boyfriend niya artist, kulang na lang siya mag-paint…. Kung ano ‘yong gusto ng mahal niya, mamahalin din niya, at susuportahan din niya.”

john-prats

Sabi pa ng actor dahil daw kasi ito sa mga pangyayari sa buhay ng aktres kung saan lagi siyang iniiwan, kapag may bagong tao na dumarating sa kanyang buhay, nakadarama kaagad ito ng takot dahil sa alalahaning iiwanan din lang siya.

May payo naman si John at ng iba pa niyang kaibigan, hindi naman lahat ng mga taong darating sa kanyang buhay ay sa huli, iiwanan siya, kaya dapat pa rin na magtiwala siya.

Dagdag pa ng actor: “Napakasuwerte ng mapapangasawa mo… And you deserve to be happy!”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s