Kakai Bautista, ibinahagi sa Instagram ang kanyang saloobin tungkol sa pagtanggap niya sa kanyang sarili

throy Catan

Ni: Throy Catan

KAMAKAILAN nag-post sa kanyang Instagram ang singer-komedyanna na si Kakai Bautista.

Sa post ni Kakai ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagtanggap niya sa kanyang sarili. “Alam at tanggap kong hindi ako maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty and being beautiful. Hindi masakit para sa akin ‘yun, dahil lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba. Tapos na ang mga araw na pinakikinggan ko sila at wala na akong balak makinig pa.”

View this post on Instagram

Alam at Tanggap kong hindi ako maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty and being beautiful. Hindi masakit para sa akin yun, dahil lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba. Tapos na ang mga araw na pinakikinggan ko sila at wala na akong balak makinig pa. Nakita ko na ang Kagandahan na meron ako at wala na makakaagaw nun sa akin, dahil matagal ko nang natanggap kung sino at ano ako – anu man ang tingin ng iba. Hindi tayo mabubuhay sa maaaring iutos ng mundo sa atin. Mabubuhay tayo sa inuutos at sinisigaw ng mga puso natin – Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang iba.❤️ Narito po sa inyong harapan, KAKAI BAUTISTA — Tambay ng PACITA!Aaaay chenk u!😊👑🤣 #dentaldiva #confidenceispower #strokesbymomoisupe #gandangauraruz

A post shared by Kakai Bautista (@ilovekaye) on

Matatandaan noon sa interview ni Kakai  taong 2013 sa gitna ng mga batikos sa pagiging close nito sa Thai superstar na si Mario Maurer. “Yung mga tao… Porke ba komedyante na ‘chaka’ hindi na puwede magkaroon ng kaibigan na sikat, na superstar, international star? Parang ‘yung nagpatunay na wala talagang pinipili ang pagkakaibigan, kahit ano ka pa. Sino bang mag-aakala na ako lang? Si Kakai lang?” Sabi pa niya sa kanyang post.

Taong 2017 naman naging usap-usapan din ang komedyante dahil sa pagkakaugnay nito kay Ahron Villena, na malapit nitong kaibigan. Inamin ni Kakai na nahulog ang loob nito kay Ahron,  pero dedma naman ang aktor kasi ang turing lang naman ni Ahron kay Kakai ay isang close freind.

Samantala dagdag pa ni Kakai sa kanyang post: “Nakita ko na ang kagandahan na meron ako at wala nang makakaagaw nun sa akin, dahil matagal ko nang natanggap kung sino at ano ako anu man ang tingin ng iba.

“Hindi tayo mabubuhay sa maaaring iutos ng mundo sa atin. Mabubuhay tayo sa inuutos at sinisigaw ng mga puso natin. Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang iba. Narito po sa inyong harapan, Kakai Bautista.”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s