Richard Gutierrez, hindi pabor mag-artista ang kanyang anak na si Zion

throy Catan

Ni: Throy Catan

HINDI daw pabor ang aktor na si Richard Gutierrez na mag-artista ang kanyang anak na si Zion.

Marami ang naaliw kay Zion bilang ring bearer sa kasal ng isa sa kanilang mga kaanak dahil feel na feel daw ng bata ang participation niya roon. Tuwang -tuwa raw ang mga dumalo sa nasabing kasalan dahil sa paglalakad nito na parang model.

At kagaya ng kanyang mga magulang, halos lahat ng mga taong nandoon sa kasalan na iyon ay gustong magpa-picture kasama si Zion. Matapos ang kasal, napadaan umano si Zion kung saan naroroon sina Mother Lily Monteverde at Malou Choa-Fagar, ipinakilala raw dito ang mga boss ng Regal Entertainment at TAPE, Inc. Magiliw naman daw na bumati ang bata sa dalawa.

Pero ayon kina Richard at Sarah Labati ramdam raw nila na gusto na ring mag-artista ni Zion, kasi nakikita daw nila nae-excite ang kanilang anak kapag nakikita ang dalawang producers ngunit hindi pa niya maaaring gawin dahil ang gusto ng kanyang mga magulang na sina Richard at Sarah ay unahin muna niya ang kanyang pag-aaral.

Samantala, nag trending kamakailan ang video kung saan kumakanta ng Elvis Presley songs si Zion kasama ang kanyang lolo na si Eddie Gutierrez.

We’ll hindi naman kataka-taka na one day ay mag artista din si Zion dahil nasa lahi na nila ang may dugong artista.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s