Judy Ann Santos, gusto raw magkaroon ng sequel ang Mara Clara?

throy Catan

Ni: Throy Catan

Judy-Ann-Santos-Gladys-Reyes-1

WALA daw problema para sa aktres na si Judy Ann Santos na magkaroon ng sequel o karugtong ang longest-running soap opera sa Philippine TV na Mara Clara, kung saan  bumida at gumanap siya bilang Mara, at gumanap naman bilang Clara ang matalik na kaibigang si Gladys Reyes.

Sa panayam kay Judy Ann sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kamakailan kasama ang aktres na si Angelica Panganiban, kung magkakatotoo man ang sequel, ibang Mara na raw ang makikita ng lahat. Tiyak na isa na itong inang handang ipagtanggol ang kanyang mga anak, at hindi na papayag na api-apihin pa.

Reunion project nila ni Gladys Reyes ang Ang Dalawang Mrs. Reyes dahil gumaganap itong isa sa mga kaibigan niya sa pelikulang nagbukas noong Enero 17, 2018 at mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa.

 

mara-clara

Samanatala, sa isang episode naman ng morning show na Magandang Buhay, naging guests naman ng mga Momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Judy Ann Santos ang dalawang original na bida na Mara at Clara.

Nagkaroon pa sila ng kaunting re-enactment sa isa sa mga naging eksena ng kanilang dating soap opera.

Sina Judy Ann at Gladys ay magkaibigan sa tunay na buhay na ngayon ay parehong masaya ang kanilang buhay sa kani-kanilang sariling pamilya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s