Vina Morales, dinepensahan si Robin Padilla tungkol sa nangyari sa Pilipinas Got Talent

throy Catan

Ni: Throy Catan

vina-morales

PINAGTANGGOL ng singer-actress na si Vina Morales, tungkol sa diumano’y pagiging ‘racist’ ni Robin Padilla sa isang Korean na kalahok sa Pilipinas Got Talent kung saan pinilit niya itong mag-Tagalog.

Ayon kay Vina na na-misinterpret lamang si Robin ng publiko nang pangaralan nito si Kim Jiwan, isa sa mga contestant ng Pilpinas Got Talent, Season 6. Aniya: “Paano ko ba ma-describe si Robin sa isang word? Kasi napakabuting tao nito eh. Naiintriga nga ngayon eh kaya please tigilan na yan kasi he really has a good heart… He has a good heart, good soul; may puso ‘tong taong ‘to I really have a soft spot kay Robin and lahat ng mga nagmamahal sa kanya, naiintindihan ‘yung mga napagdadaanan niya ngayon.

Sabi pa ni Vina, suportado raw niya ang kanyang kaibigan at dating ka-love-team dahil mas higit niya itong kilala. Very straight forward siya pero hindi mo naman kailangan yung mga nagmamahal sa kanya hindi dapat dinidibdib ‘yon kasi kung may payo lang siyang ganoon, you know let’s take it in a constructive way ‘di ba?

“Para sa akin, dapat i-stop na (‘yung bashing) kasi may good intention naman ‘yon sa kanya bilang parang tatay katulad ng sinabi niya.

“Sa totoong lang point naman talaga si Robin sa puntong ‘yun kasi 10 years na siya dito dapat kahit paano marunong na siya magsalita ng Filipno words, pero marunong naman pala siya mag tagalog! ‘Di ba, weird?” Sabay tawa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s