JM de Guzman, inamin na gumagamit siya noon ng ipinagbabawal na gamot

throy Catan

Ni: Throy Catan

JM de Guzman

SA unang pagkakataon nagsalita na si JM de Guzman, tungkol sa naging karanasan niya sa paggamit ng bawal na gamot. Kuwento ni JM: “I was bullied before when I was really young, so wala na akong self-esteem and confidence at that time. Taking drugs parang gives me power.”

Sey pa ng aktor: “Parang na-excite lang ako na may something na ‘di ko pa nagagawa. Eventually, kapag hindi na naano ‘yung need mo na high, paiba ka nang paiba ng drugs. Nawalan na ng epekto, so parang naapektuhan ka na rin sa pag-iisip.”

Patuloy pa ni JM , nasa 18-anyos nang matutunan nito ang paggamit ng droga na impluwensya na rin umano ng kanyang mga barkada at madalas daw sila noon mag bar happening etc.

Sa kabila nang paggamit ni JM ng droga ay hindi naging mailap ang oportunidad niya sa showbiz.

Matatandaan, nagsimula ang aktor matapos siyang mapansin sa 2009 Cinemalaya movie na Last Supper Number 3. Noong 2010, naitampok din si JM sa Precious Hearts Romances ng ABS-CBN na: Midnight Phantom, Alyna at Kristine.

Dalawang big break naman ang naibigay sa aktor noong 2011. Naging leading man siya sa remake ng Mula sa Puso at sa Angelito, Batang Ama na humabot pa hanggang book 2!.

Sa pagbabalik niya mula sa rehab sinubakan niyang muli pasukin ang showbiz na binigyan siya muli ng pagkakataon na kanyang Kapamilya Management. 2015 muling nagbida sa isang pang hapon na  programa ang All Of Me kasama niya sina Albert Martinez, Yen Santos at Aaron Villaflor na umabot lang ng dalawang season dahil muling bumalik sa bisyo ang actor kasabay ng pagkakaroon niya ng matinding pinagdadaanan sa kanyang buhay pag-ibig niya noon sa actress na si Jessy Mendiola.

Pero pagkatapos ng matinding pagsubok sa kanyang buhay muling magbabalik ang actor para sa ikalawang pagkakataon na marami din naman naghihintay sa kanyang pagbabalik na sana’y tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago. Let’s wait and See!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s