Mark Anthony Fernandez, balik-showbiz na!

throy Catan

Ni: Throy Catan

 

BALIK showbiz ang actor na si Mark Anthony Fernandez, kamakailan pumirma si Mark ng 5 years contract sa Viva Entertainment Inc, kasama ang kanyang ina na si Alma Moreno.

Nagpapasalamat naman si Mark dahil muli siyang binigyan ng pagkakataon makabalik sa showbiz pagkatapos ng nangyari sa kanyang buhay ang pagka kulong.

Nagsalita naman si Mark Anthony Fernandez  kaugnay sa dalawang policewomen na diumano’y kanyang nabuntis habang nakakulong siya sa Pampanga Provincial Jail.

Sinabi ng aktor na pekeng balita umano ang naturang isyu. “Fake news po yun. Actually, si Claudine (Barretto) ang nagbanggit sa akin na, ‘Uy, nasa news ka. I-check mo.’ Wala po talagang nangyari. Hindi totoo. Nagawan lang ng isyu, nagawan lang ng kuwento,”

Naging emosyunal si Mark makaraang ito’y makalaya. “Naluha ako, tapos nagdasal muna ako.” Giit ni Mark  “Nagyakapan kami ng lawyer ko, si Attorney Sylvia Flores, tapos nagpaalam ako sa inmates ko.”

Paulit-ulit rin umanong humingi ng paumanhin ang aktor sa kanyang ina dahil sa nangyari. “Oo naman paulit-ulit ako hihingi ng patawad kay mama (Alma Moreno) , nakita ko mas lalo yun paghihirap niya nung nangyari sa akin yun , ganun din sa aking mga kapatid, pamilya ko, kaibigan ko sa mga taong nagdasal para  makalaya ako agad, hindi ko kayo bibiguin na binigyan nyo uli ako ng isa pang pagkakataon na mas maayos ko pa ang buhay ko . Sobrang salamat po sa mga prayers ninyong lahat.” Deklara pa niya.

Ayon naman kay Mark, tuloy na tuloy na ang pelikulang gagawin nila ni Claudine Barretto.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s