Xian Lim, ikinuwento ang kanyang naging bakasyon nila ni Kim Chiu sa Europa

throy Catan

Ni: Throy Catan

xian-lim

MASAYANG ibinahagi ng actor na si Xian Lim tungkol sa naging bakasyon nila ni Kim Chiu sa Europa nang bumisita ito sa programang Magandang Buhay kamakailan.

Sa panayam kay Xian: “Siyempre sobrang saya. I can go on and on about ‘yung mga happy moments pero at the same time magkakaroon din kayo ng misunderstandings. Pero masaya lang.”

Nilinaw din ng aktor na hindi pa siya nag-propose kay Kim. “Matagal pa ako. Matagal pa ‘yung mga plano. Mayroon akong ganoon, mayroon akong fear; dapat plantsado muna. Next time na ‘yon, next time na ‘yung mga ganoon.”

Dugtong pa niya: ” Basta darating tayo di’yan , sa ngayon kasi focus muna kami sa kanya-kanyang karir namin .”

Samantala, marami naman ang nagulat sa pag-alis ni Xian sa Star Magic at paglipat niya sa Viva. “Napakaliit ng mundo natin. It doesn’t mean I’m with Viva family, i-e-exclude natin lahat. Hindi naman po ganoon. We’re all still one big family working together. I love Star Magic family alam nila ‘yun. Wala naman magbabago dun , siguro nagbago lang sa management, pero sa mga person behind malaki ang utang na loob ko sa kanila, hindi na yun matatawaran. ” Paliwanag pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s