Billy Crawford, ikinuwento kung bakit hindi makakapunta sa kasal ang kanyang magulang

throy Catan

Ni: Throy Catan

billy_crawford_coleen_garciaWALA daw kasiguraduhan kung makararating ang mga magulang ni Billy Crawford sa kasal niya dahil sa kalagayan ng mga ito na nasa ibang bansa. Ito ang kuwento ni Billy para sa nalalapit na kasal nila Coleen Garcia.

“I’m not sure. Kasi both of them, medyo malala ‘yong kalagayan nilang dalawa, so I don’t want to dwell and ayoko ring mapunta ‘yong atensyon sa kanila. Actually, hindi sila pinayagan ng mga doctor.”

Pipilitin daw nila ng kanyang nobya na puntahan ang kanyang mga magulang sa Texas bago sila ikasal. Sabi pa niya, “Medyo sad, so baka kami ni Coleen ang umalis papunta sa kanila prior to our wedding out of respect din naman. Actually, kung talagang papipiliin, I prefer them to come in, ‘di ba? Pero kung hindi talaga kakayanin, h’wag pilitin. Baka kung ano pang mangyari, pagsisisihan ko pa.”

Aminado naman si Billy at Coleen na malungkot sila kung sakaling hindi na talaga makaka-attend ng kasal ang kanilang mga magulang ni Billy.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ni Billy ang eksaktong petsa ng kasal nila ni Coleen. Ang sigurado lang ay magaganap ito ngayong 2018 at very excited na din daw silang dalawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s