Claudine Barretto, pinaliwanag kung bakit ibinabahagi niya ang mga letrato ng mga gamit at liham mula kay Rico Yan

throy Catan

Ni: Throy Catan

CLAUDINE-BARETTO

HANGGANG ngayon isa lang daw talaga ang hiniling ng aktres na si Claudine Barretto noong pumanaw ang dati niyang kasintahang si Rico Yan ay huwag makalimutan ng tao ang yumaong aktor. Natupad daw ang hiling na ito kaya naman nais niyang ibahagi sa mga nagmamahal pa rin sa aktor ang mga bagay at alaalang naiwan sa kanya nito.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Caludine ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagbabahagi pa rin siya ng mga larawan ng mga gamit at liham sa kanya ng kasintahan niya sa loob ng halos limang taon. Bungad niya: “Iyong hiniling ko lang (noon namatay siya) was na huwag siyang kalimutan ng tao, at hindi nakalimot iyong tao. So, the little that I have left of him, I share it. I share it with those who miss him also,”

View this post on Instagram

We @tinamarieyan miss u terribly

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Kahit pa daw nagkaroon na siya ng sariling pamilya hindi pa din daw niya nakakalimutan dumalaw sa puntod na yumaong aaktor  na si Rico Yan. Nagpapasalamat naman daw sa kanyang pamilya dahil suportado naman daw siya ng mga ito at naiitindahan daw nila pagdating sa paggunita sa dating kasintahan. “Thankful ako sa family ko kasi naiitindahan nila ako. Pag may time naglilinis ako roon (sa puntod niya) minsan. That’s the only thing na puwede kong gawin. I wasn’t able to say goodbye or naalagaan siya bago siya nawala,” Sey pa niya.

Matatandaan, taong 2002 pa noong pumanaw ang aktor  ngunit hanggang ngayon kahit halos dalawang dekada na ang nakararaan ay dala pa rin daw ni Clau ang bigat.

“Hanggang ngayon dala-dala ko because I never really grieved. I just really kept on working and working. I wanted to tire myself para pag-uwi ko tulog na lang, hindi ko na maisip iyong pagkamatay ng boyfriend ko, ng ex boyfriend ko. Ang gusto ko lang mapagod. Hindi pa talaga ako nakapag-rest para umiyak. Up to this day,”Pahayag pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s