Angel Locsin, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

throy Catan

Ni: Throy Catan

NITONG Monday, January 29, muli pumirma ng panibagong contract ang actress na si Angel Locsin.

Nagpapasalamat ang actress sa Kapamilya Network sa lahat ng suportang binigay sa kanya ng kanyang management. Aniya:  “Grateful for the continuous trust so excited to share this exciting journey with you guys Thank you ABS-CBN.

“I’m so happy. Iba yung pakiramdam ‘pag alam mo at nararamdaman mong pinapahalagahan ka at may malasakit sa ‘yo ang mga tao. Lagpas 10 years na ako sa ABS-CBN. Nakakatuwa na patuloy mo pa ring nararamdaman yung care nila sa ‘yo.”

Malaki daw ang utang na loob niya sa management ng ABS-CBN dahil sa tiwalang binigay sa kanya. Sabi pa niya: “Hangga’t kailangan naman nila ako nandiyan lang ako kasi iba yung suportang pinakita nila sa akin. Ang dami kong natutunan dito sa ABS-CBN.

“Nag-grow ako as an actress, masarap yung nagmamalasakit rin sa ‘yo yung company, ang sarap magtrabaho.”

Bukod sa Pilpinas Got Talent season 6, Ano-ano naman ang mga nakahandang projects niya ngayon 2018. “Malapit nang maluto. Tinitimpla na ngayon yung teleserye at saka pelikula. Target namin itong year na ‘to maipalabas. Sana hindi magsabay para matutukan. Pero I’m happy to have work kasi lab ko ang trabaho ko.” Giit pa niya.

May posibilidad ba na magkaroon siya ng proyekto with Coco Martin? “Matagal ko na ring inaawitan si Coco, e. “Limang taon ko na yata inaantay si Coco pero nakapag-antay naman ako so ano pa ba yung mga susunod na taon na aantayin ko? Busy rin kasi si Coco. Ikaw ba naman mag-Panday tapos Ang Probinsyano!” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s