Robin Padilla, ayaw makialam sa kaso ni Sabrina M.

throy Catan

Ni: Throy Catan

robin-padillaHANGGAT maari ayaw umanong makialam ni Robin Padilla sa kasong kinahaharap ng kanyang kasamahan sa industriyang si Sabrina M. Matatandaang gumagawa ng fundraising si Katrina Paula para makalikom ng sapat na halaga para sa pampiyansa ng kaibigan niyang si Sabrina M. Gusto diumano ni Katrina na lumapit kay Robin para humingi ng tulong.

Nang tanungin si Robin tungkol dito ay malinaw ang sagot ng action star.  Sa isang panayam agad sinagot ni Robin:”Naku, nakakatakot ‘yan!. “Siguro No comment tayo dyan”.

Nilinaw naman niya na naniniwala siya na ang pagbabago ay dapat magsimula sa mismong tao at hindi tulak lamang ng iba. Kuwento pa ni Robin: “Sa drugs kasi… alam n’yo kay Mark (Anthony Fernandez) nga hindi ako nakialam dun, eh. Kasi para sa akin, ang drug addiction journey ‘yan ng isang tao. Hindi ‘yan puwedeng maging journey ng isang grupo. Kung gusto mong magbago, sarili mo ‘yan! Pero kasi ako sa usapin na… kailangan ipakita natin na gusto nating magbago. Kapag gusto nilang magbago, nandiyan tayo para tumulong.”

Dagdag pa niya, “Pero para sabihin natin na tayo ang magsasabi sa tao na “magbago ka” at tayo ang gagawa ng paraan para magbago siya…malabo ‘yun.”

Masaya naman ang aktor na si Robin sa paglaya ng kanyang pamangkin na si Mark Anthony. “Hanga ako sa pamangkin kong ito..Sana mas maging mabuti pa siya ama at anak kasi siya yun!” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s