Maja Salvador, inaming ayaw niya makipagbalikan sa kanyang mga naging ex-boyfriend

throy Catan

Ni: Throy Catan

maja salvador

PARA sa aktres na si Maja Salvador, imposible na silang magkabalikan ng kanyang mga naging ex-boyfriend. Ito ang naging  pahayag ni Maja matapos siyang tanungin sa ilang katanungan ng mga reporters sa thanksgiving press conference ng Wildflower. Aniya: “Para sa akin hindi , tapos na kasi ‘yung chapter na ‘yun. Dahil, kunwari, kung sa ilang taon naming pagsasama, alam kong ibinigay ko na po ang lahat, kung naramdaman kong hindi niya ‘yun nabalik, at hindi ako inirespeto or hindi nasabayan ‘yung pagmamahal, parang tapos na po. Parang ganun”

Sa pahayag niya ‘yun tila ang aktor na si Gerald Anderson, ang tinutukoy na ex-boyfriend ni Maja. Matatandang natapos ang nasabing relasyon ng dating celebrity couple noong 2015.

Samantala, hindi raw naisip ni Maja na maghiganti sa taong nanakit sa kanya sa tunay na buhay at taliwas daw ito sa karakter niya na si ‘Lily Cruz’ sa Wildflower. Pahayag pa niya: “Hindi siguro ako ganun katapang tulad ng charcter ko bilang si Lily Cruz, pero I admire iyung charcter ni Lily! Sa totoong isang Linggo na lang tatakbo ang serye namin pero parang ayaw pa namin matapos kasi sobrang minahal namin espcially ako! Ito na ang pinaka biggest break na nagawa ko na sobrang tumatak sa mga tao, kaya naman sobra akong nagpapasalamat sa aking managemet, ganun din sa RSB Unit na lubos na nagtiwala sa amin sa mga staff and crew ng prograna at sa amin mga viewers na hindi kami iniwan mula simula hanggang sa nalalapit po na pagtatapos. Maraming Salamat po!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s