Snooky Serna, proud sa kanyang mga anak dahil focus sila sa kanilang career

throy Catan

Ni: Throy Catan

Snooky Serna

VERY proud ang actress na si Snooky Serna sa kanyang dalawang anak na sina Samantha at Sachi sa actor na si Ricardo Cepeda. Mas focus daw sa kanya-kanyang career ang dalawa kesa sa buhay pag-ibig nila, samantalang kung tutuusin pwede na magka boyfriend sina Samatha at Sachi dahil nasa tamang edad na din ang dalawa.

Kuwento ni Snooky sa press conference ng kanyang bagong serye sa GMA-7 The One That Got Away. “Hats off ako sa mga anak ko kasi they know how to live their life and have wonderful careers.

“Hindi man sila sumunod sa yapak namin ng dad nilang si Ricardo na naging mga artista, they are happy sa trabaho nila ngayon.”Kung tutuusin, nasa tamang edad na sila to get into a relationship, di ba?

“Kapag tinatanong ko naman sila kung may boyfriends na ba sila, they would answer na wala pa.”

Pero okay na ba sayo kung sakaling meron na din boyfriend ang dalawa baka naman nahihiya lang sila magsabi sayo? “We’re very close kami nina Sam at Sachi, pagdating sa buhay pag-ibig mas gusto ko open sila  sa akin, As much as possible ayokong matulad sila sa naging buhay pag-ibig ko.” Sabay tawa niya.

Speaking sa buhay pag-ibig, Kamusta na ba silang kanyang boyfriend na si former Bulacan Vice Governor Ramon Villarama? “We are all happy! Medyo busy din kasi siya, ganun din naman tayo kahit paano tuloy-tuloy din ang mga proyekto natin dito sa GMA7 , kaya sobrang thankful po tayo.”

Dagdag pa niya: “Si Ramon kasi very supportive yan!.”Actually, tinuruan din niya akong to invest my money wisely. Alam  naman ng lahat pagdating sa pera waldas ako. ”

“Pero ngayon, may pinasok ako na business na pinagdarasal ko na maging successful,”

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s