Marian Rivera at Karylle, muli nagkasalubong ng landas

throy Catan

Ni: Throy Catan

INAMIN ni Primetime Queen Marian Rivera-Dantes ang muling pagkikita nila ng landas nila ni Karylle; ang dating kasintahan ng kanyang asawang si Dingdong Dantes. Nagkita daw sila ni Karyllle sa isang event, at naging maganda naman daw ang kanilang pagkikita.

Matatandaang pumutok ang balita ng muling pagkikita ng dalawa nang biruin ni It’s Showtime host Vice Ganda si Karylle sa isa sa mga episode nito habang naghuhurado sa Tawag ng Tanghalan.

marian - karylle

Na i-segway ni Vice sa mdalang pipol ang chika na nagkasalubong umano sina Karylle at Marian at nagbeso-beso pa. Sabay tugon naman ni Karylle, nag-“hi” lamang daw siya sa dating BF at kay Marian. Aminado naman ni Karylle na labis siyang nagandahan kay Marian sa muli nilang pagkikita.

Speaking of Marian, Kamakailan masayang nagkuwento si Marian na pagdating sa pagpapalaki sa kanilang unica hija ay mas mahigpit umano siya kesa kay Dingdong:”Sabi ng asawa ko palagi kasi siyang wala sa bahay bilang nagtatrabaho siya.”

Pinaliwanag niya ang kanilang usapang mag-asawa, “Most of the time ako ‘yung nandun, so kung siya pa ‘yung magdidisiplina sa anak ko, baka lumayo ‘yung loob.”

Ayon pa sa Kapuso star ay importante sa kanilang mag-asawa na lumaking mabuting bata si Zia. Yun nah!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s