Regine Velasquez, napapansin ang pagbabago sa takbo ng kanyang career

throy Catan

Ni: Throy Catan

AMINADO ang Asia’s songbird na si Regine Velasquez-Alcacid na napapansin na niya ang mga pagbabago sa estado niya sa industriya ng pagtatanghal. Na-realized ni Regine na malaki na ang pagbabago sa mundo ng showbizness.

Kuwento niya: “Personally, sa akin, nandito na ako sa time ng career ko na gano’n na. Ako kasi, praktikal ako na tao. At saka nire-recognize ko naman ‘yong pinamalagi ko sa industriyang ito. I am very aware of where I am now in this industry. Alam ko na hindi na kagaya noong dati. Hindi na ako ‘yong sikat, alam ko na ‘yon.

Regine-Velasquez-Alcasid

“Medyo ramdam na namin ‘yon, na hindi na gaya ng dati. Like, ako before, natatandaan ko when I was younger, during ’90s, every day, umaalis ako ng bahay. And I only sing and I don’t do anything else. I only sing, hindi pa ako naghu-host. Hindi pa naman ako gano’n, hindi pa naman ako umarte nun. Ang dami-dami kong raket, every day umaalis ako. Siyempre, mararamdaman mo ngayon na, ‘Hmmm, parang dumadalang na.'”

Pero kahit daw malaki na ang pagbabago nagpapasalamat pa din siya na hindi pa rin nahihinto ang pagpasok ng mga oportunidad sa kanya.” I just feel very blessed that I am still given the opportunity to be able to perform, or nasa TV pa rin naman ako. Kumbaga, nasa TV pa rin naman ako,” Sey pa niya.

Dagdag pa ni Regine, dapat daw tanggapin ang lahat para hindi mauwi sa punto na pupuwersahin mo ang sarili mo at masasaktan ka. “Pero nandito na ako sa age na gano’n, pababa na talaga, accepted ko na ‘yon. Mahirap lang yung hindi mo ina-accept, e. Kasi, magkakaroon ka ng maraming ilusyon and, at the end, you pressure yourself. Then, you just get your heart broken. Pero hanggang meron pang may gusto sa akin , I’m sure hindi ko padin sila bibiguin kasi patuloy pa din ako nandtito para sa mga supporters ko.” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s