Rommel Padilla, ayaw na tularan siya ni Daniel Padilla

throy Catan

Ni: Throy Catan

VERY vocal na inamin ni Rommel Padilla  na naging tatak na ng Padilla brothers ang pagiging babaero. Pero masaya si Rommel mukhang hindi namana ito ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Dahil dito masaya si Rommel na nananatili ang relasyon ng kanyang anak sa actress na si Kathryn Bernardo.

Rommel

Aniya: “Ayoko naman na kung anong dinanas ng tatay, dapat danasin ng anak, especially when it comes to women. Kung ako maraming dumaang pag-ibig sa buhay ko, ako, hindi ko ina-advise sa kanya ‘yon. Hangga’t maaari, isa lang makilala mong babae, isa lang babae na makakasama mo sa buhay, perfect!”

Dugtong pa niya:”Hanggang silang dalawa ay nagmamahalan, tuloy lang. Be straight and true to each other. ‘Yon lang naman ang sinasabi ko, especially kay DJ. Lagi naman niya sinasabi, ‘Iba ang pagka-Padilla ko.’ Dahil one-woman man siya. “Kaya sobrang proud ako sa anak ko ,ganun din sa maayos na pagpapalaki ni Karla sa kanya.”

Nagpapasalamat naman si Rommel sa anak niya na si Daniel sa pagiging genteleman nito kay Kathryn na kahit kelan hindi natukso sa ibang babae kaya naman saludo daw siya sa kabaitan ng kanyang anak.

Sabi pa ni Rommel saksi din daw siya sa tibay ng pagmamahalan nina Daniel at Kathryn. Noon pa man daw ay malapit na ang mga ito sa isa’t-isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s