Maja Salvador at Aiko Melendez, nakipagkulitan sa show ni Vice Ganda

throy Catan

Ni: Throy Catan

vice-maja-aiko

NUNG Linggo ng gabi, February 4, 2018, naging guest’s sina Ivy Aguas/Lily Cruz’ (Maja Salvador) at Emilia Ardiente-Torillo (Aiko Melendez) sa comedy talk show na Gandang Gabi Vice upang makipagkulitan kay Vice Ganda. Game na game sina Maja at Aiko sa pagbabahagi ng kanilang mga kwento sa likod ng camera ng matagumpay na teleseryeng Wildflower na matatapos na ngayon biyernes February 9, halos isang taong pamamayagpag sa ratings at pagiging trending sa social media.

Masayang ibinahagi ni Maja ang mga eksenang hindi niya malilimutan at talaga namang tumatak sa masusugid na tagasubaybay ng teleserye, gaya ng “The Black Wedding” at ang kanyang pagbabalik bilang Lily Cruz na may pamosong linyang “Black is out, gold is in; I am indestructible!”

Isa sa mga ‘di-malilimutang eksena ni Maja ang pagtugis niya kay Red Dragon na ginampanan ni Zsa Zsa Padilla kung saan sumabit siya sa helicopter at hindi siya nagpakuha ng kanyang double.

Inamin ni Maja na naging mahirap sa kanya ang mga diyalogong nasa wikang Ingles, lalo’t hindi ito maiiwasan sa kanyang karakter bilang mayamang CEO ng kompanya.

Malaki naman pasasalamat ni Maja sa mga kasamang artista sa set lalo na kay Tirso Cruz III at Aiko Melendez sa pagtuturo sa kanya ng tamang pagbigkas ng mga salita at intonasyon sa wikang Ingles. Hindi maitatatwang naging maganda ang samahan ng buong cast at talagang napalapit sila sa isa’t isa.

Samantala, Pinuri naman ni Aiko Melendez si Maja Salvador dahil sa kahusayan nito at pagiging mabait na tao wala daw siyang masasabi any negatives kay Maja sobrang professional daw ito pagdating sa trabaho.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s