Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, usap-usapang naghahanda na sila bilang isang mag-asawa

throy Catan

Ni: Throy Catan

TILA nagpa-practice na sa kanilang future baby ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz habang karga nito ang isang sanggol.

Kamakailan sa Instagram post si Ellen, ibinahagi nito ang larawan kung saan karga niya ang isang baby. Katabi nito si Loydie na nakahawak naman sa daliri ng sanggol.

Naka-tag sa naturang post ang Pusong Ligaw actress Beauty Gonzalez gamit ang hashtag #OliviaInes, unang baby ni Beauty Gonzales sa mister na si Norman Crisologo, isang art curator. Ito ang nasabing post:”Happy birthday Olivia! Sorry kai Beauts na bad ninong and ninang mi kai absent. Bawi mi nig balik! Hahaha,”

Nag mistula namang family picture ang larawan nina Ellen, John Lloyd at baby Olivia (anak ni Beauty Gonzales).

Ang larawan ay naging usap-usapan hinggil sa celebrity couple kabilang ang pagbubuntis, planong pagpapakasal at kamakailan ay ang umano’y pagbili ng property ng dalawa.

Lumakas pa ang ispekulasyon noong weekend kung saan nagkomento si Ellen sa Instagram post ng actress na si KC Concepcion tungkol  sa bagong property sa Palawan ni KC. Ayon sa post ni Ellen: “New neighbor!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s