Diego Loyzaga, nagseselos pa rin sa bagong boyfriend ni Sofia?

throy Catan

Ni: Throy Catan

sofia - diego

MATAGAL nang hiwalay tila nagseselos pa rin daw hanggang ngayon ang aktor na si Diego Loyzaga sa bagong kasintahan ng aktres na si Sofia Andres.

Sa isang panayam maikling ikinuwento ni Sofia ang tungkol sa kanyang bagong kasintahan. Aniya: “Non-showbiz po, nasa Australia po,”

Samantala, inamin ni Sofia na lagi pa rin silang nag-aaway ni Loyzaga. “Opo. Selos po! Pero kilala ko naman ‘yan kaya naiitindhan ko siya! (Diego)” Sey pa niya.

Sa tingin niya bakit nagseselos pa rin ito eh wala na naman sila:”Ewan ko nga po ro’n.”. Mabilis na tugon niya.

Ilang buwan ang nakararaan ay dumalaw umano ang non-showbiz boyfriend ni Sofia sa shooting ng pelikulang Mama’s Girl at nag-away daw ang ex-couple dahil sa selos. Nilinaw naman ng aktres na matagal na silang wala ni Diego noong nagkaroon siya ng bagong kasintahan.”Eight months na po kaming hiwalay nang magkaroon ako ng boyfriend. “Pero hayaan na lang natin siya magsasawa din yan sa kaka-selos. ” Sabay tawa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s