Anne Curtis, tinupad ang hiling ng isang lolo

throy Catan

Ni: Throy Catan

anne curtis2ISANG avid fan ng actress/TV host ng It’s Showtime na si Anne Curtis ang humiling sa kanya na pasayahin ang isang matandang lalaking taga-Batangas, si Mang Elino Andres.

Ang nasabing kahilingan ay simple lamang ngunit tagos sa puso ang kahilingan ng matanda. Iyon ay ang maranasan niya na guminhawa sa buhay; makapag-relax kahit isang araw lamang kasama ang kanyang misis at dalawang apo.

Sa pamamagitan ng kanyang Dream Machine project, tinupad ni Anne ang nasabing kahilingan.

Dinala ang pamilya ni Tatay Elino sa Maynila mula Batangas. Pinatuloy sa isang magarang hotel sa Quezon City at pinag-spa. Nakaharap pa ng lolo at ng kanyang pamilya ang dream maker na si Anne, na sobrang na-touch naman sa dasal na ibinigay sa kanya na para sa kanya ay isa raw magical encounter.

Isa lamang ito sa marami nang kahilingan ang natupad ni Anne ngunit hindi ito makikita na ipinagmamalaki niya sa kanyang Instagram account.

Matatandaang nag-donate din si Anne kamakailan ng pitong milyong piso para sa mga batang may kapansanan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s