Aicelle Santos, nagtago sa banyo para hindi marinig ang pangalang Nora Aunor?

throy Catan

Ni: Throy Catan

LAST week ibinahagi  ng singer/actress na si Aicelle Santos sa kanyang Instagram ang kanyang naramdaman sa nasabing press preview ng musical play ang Himala kamakailan dahil alam niya na nadoon ang superstar Nora Aunor, na original na gumanap bilang si Elsa sa 1982 film version ng Himala.

Sa kanyang post, ito ang kanyang sinabi: “Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hindi kabahan) nang i-acknowledge ang mga guest bago mag-start ang palabas.”

View this post on Instagram

May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala. Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hndi kabahan) nang i-acknowledge ang mga guests bago magstart ang palabas. Abot langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago. Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas. Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa press preview!❤️🙏 Mamaya na ang pagbubukas ng Himala: Isang Musikal, Feb 10 – Mar 4 sa Power Mac Center, Circuit Makati. Wag niyong palampasin ang napakagandang musikal na obrang ito ni Ricky Lee at Vince De Jesus, sa direksyon ng napakuhasay naming direktor na si Ed Lacson. Bumili na kayo ng tickets ngayon! Balita ko nagkakaubusan na! Go!👊🏽 Call 891-9999 or 0906 480 3330 for Feb 24, Sat 3pm show. #sandbox9wthimala

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos) on

Dahil dito, parang bata raw na nahihiyang lumapit si Aicelle kay Nora matapos siyang purihin nito pagkatapos ng kanyang pagganap. Giit pa niya: “May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala,”

Masayang-masaya rin si Aicelle na napangiti niya ang mga nanood sa nasabing musical play na Himala. “Abot-langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago. Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas. Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa press preview!” Deklara pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s