Ang payo ni Claudine Barretto kay Erich Gonzales na gaganap bilang triplets: Stay sane

throy Catan

Ni: Throy Catan

erich gonzalesNITONG linggo nag pilot episode na ang bagong teleserye ng Kapamilya network ang The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Hindi madali para sa actress na si Erich ang role na triplets kaya naman isa sa mga hiningian ng actress ang advice ni ng mahusay na actress na si Claudine Barretto, na gumanap na rin noong bilang triplets sa 1999 Kapamilya series na Saan Ka Man Naroroon na nagbigay din ng malaking puwang sa karir Claudine.

Kuwento ni Erich:”I talked to Mama Pretty, I call her Mama Pretty, si Ate Claudine. In one of our dinners, nakuwento lang niya na, ‘O, exciting ito but make sure, ‘wag mong kalimutan, stay sane. ‘Wag mo masyadong i-push ang sarili mo, you feel like na ‘di mo na ito kayang gawin.'”

claudine-barretto

Aminado ang aktres na hindi madali para sa kanya ang gumanap sa tatlong karakter sa iisang serye, kaya naman talagang tatandaan niya raw ang payo ni Barretto.

Sabi pa ni Erich, “Hindi madali itong Blood Sisters, talagang importante na hindi ako masiraan ng bait. Tulad ng bilin pa ni Claudine kahit mahirap ay sisikapin niyang gampanan ang bawat papel. Talaga raw mahirap, lalo sa mga eksenang, magkakasama silang tatlo; kung saan ang lahat ay papalitan, damit, make up, at kailangan alam din ang klase ng puso ng bawat character. Medyo mahirap daw ang bagong proyekto na ito para sa kanya, pero kakayanin niya dahil napakaganda daw ng kuwento nito full effort and hard work daw ang need niya dito para mas mabigyan niya ng justice ang kanyang role.”

Dagdag pa niya: “Kumbaga, ito ‘yung dream project so talagang wala tayong ititira para sa sarili natin, give your all. Nag-shoot kami no’n sa Baguio… lahat ng scenes namin, super intense talaga. To the point na ‘yong veins ko, feel ko puputok na anytime, parang aatakihin ako sa puso.” sabat tawa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s