Jak Roberto, nagseselos ba sa ka-love team ni Barbie Forteza na si Derrick Monasterio?

throy Catan

Ni: Throy Catan

barbie jakNGAYON may ginagawa na namang pelikula ang Derbie, marami ang napapaisip kung nagseselos ba ang aktor na si Jak Roberto sa ka-love team ng girlfriend niyang si Barbie Forteza na si Derrick Monasterio, lalo pa at muntik nang nagkaroon ng relasyon noon ang dalawa.

Sa isang panayam kay Jak agad niyang sinagot ang nasabing isyu na kahit magkapareha ngayon sina Barbie at Derrick sa pelikulang Almost A Love Story ay kampante raw si Jak sa relasyon nila ni Barbie.

Dagdag pa rito, kailanman ay hindi raw niya pinagselosan si Monasterio. Aniya: “Never, nagkatrabaho na rin kami ni Derrick before, kilala ko siya. ‘Yong tungkol sa kanila, ang alam ko nabalita naman ‘yon dati.”

Napag-usapan ba nila ni Barbie ang nasabing pelikula nila ni Derrick? “Oo naman saka trabaho naman yan , pagdating sa trabaho dapat professional po tayo , wag isama ang personal sa trabaho yun po yun natutunan ko at palagi sa akin sinasabi ng mga manager’s ko sina Kuya frank at direk Alvin.”Sey pa niya.

Sa ngayon ay masaya raw sina Jack at Barbie sa kanilang relasyon. Tiwala at pagmamahal lang daw ang pwedeng maging puhunan nila para mas tumagal pa ang kanilang relasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s