Wendell Ramos, wala pa rin kupas ang kagwapuhan

throy Catan

Ni: Throy Catan

Isa sa mga kinakikiligan sa showbiz na diumano’y tila “hindi tumatanda” ang hunk actor na si Wendell Ramos dahil sa napakagandang pangangatawan nito na kinaiinggitan ng mga lalaki at kinahuhumalingan naman ng mga babae.

Kabilang si Wendell sa katatapos lamang na teleseryeng Wildflower bilang si Raul Torrilo o ang ikalawang Jaguar na asawa ni Emilia Ardiente na mahusay na ginampanan ni Aiko Melendez.

Wendell-RamosBago pa man lumipat sa ABS-CBN Kapamilya Network, kasama si Wendell sa gag show na Bubble Gang sa GMA Kapuso Network na halos ilan taon din namayagpag sa Kapuso network.

Isa si Wendell sa masasabi mong daddy hunk aktor na walang kupas ang appeal as a matter of fact maraming netizen pa din ang kilig to the bones sa aktor hindi rin siya pahuhuli sa sex appeal ni Ian Veneracion.

Samantala, nitong Disyembre 2017 lamang ay pinakasalan na ni Wendell ang kanyang longtime partner na si Kukai Guevarra sa isang simbahan sa Parañaque City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s