Panoorin ang bagong fantaseryeng “Bagani” sa TFC Online

throy Catan

Ni: Throy Catan

BaganiISANG panibagong mundo kung saan iiral ang katapangan, katatagan, pag-ibig, at pag-asa ang bubuksan sa pagsisimula ng pinakabago at pinakaabangang ABS-CBN fantaserye  na Bagani, na pinagbibidahan nina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil mapapanood sa labas ng bansa via The Filipino Channel (TFC), na may pilot episode na streaming simulcast sa local airing nito sa March 5 (Manila time) sa TFC online worldwide maliban sa ilang bansa at linear platform sa buong mundo (maliban sa North America).

Sundan ang isang naiibang pakikipagsapalaran kasama sina Lakas (Gil) mula sa rehiyon ng taga-disyerto; si Ganda (Soberano) mula sa rehiyon ng tagapatag; si Lakam (Guidicelli) mula sa rehiyon ng taga-kalakal; si Dumakulem (Morales) mula sa rehiyon ng taga-gubat; at si Mayari (Andres) mula sa rehiyon ng taga-laot.

 

Bagamat magkakaibang mga indibidwal, ang lima ay pawang may natatanging kakayahan at may kabutihang puso na handang magsakripisyo para sa iba. Kaya naman bilang gantimpala ay pagkakalooban sila ng kanilang diyos na si Apo ng mga makapangyarihang armas‘espada ni Minokawa,’ ‘pana ni Makiling,’ ‘palakol ni Bernardo Karpio,’ ‘arnis ni Liwliwa,’ at ‘kalasag ng Kataw’.  Ang mga armas na ito ang kanilang gagamitin upang maging ganap na mga Bagani na siyang susugpo sa kasamaan ni Sarimaw, ang kapatid ni Apo na gustong maghasik ng lagim at sakupin ang buong Sansinukob.

Makakasama rin sa “Bagani” sina Robert Seña, Ana Abad Santos, Rayver Cruz, Lara Quigaman, Enzo Pineda, Christian Vasquez, Mikylla Ramirez, at Joj Martin.

Ang Bagani ay sa ilalim ng direkyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives.

Magsisimula ngayon lunes March 5 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano kapalit ng timeslot ng La Luna Sangre. Tutok na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s