Claudine Barretto, bimisita muli sa puntod ni Rico Yan

throy Catan

Ni: Throy Catan

SA Instagram post ibinahagi ni Claudine Barretto ang ilan sa mga larawang kuha mula sa pagbisita niya sa puntod ng dating kasintahan na si Rico Yan. Sa nasabing pag dalaw  ng aktres kasama niya ang ilang kaanak, kabilang na ang bunso niyang anak at ang kapatid ng aktor na si Tina Marie Yan.

Sa caption ni Claudine nitong Sabado, February 17, “My sister @tinamarieyan is home from the States. Visited RY earlier,”

“See you tonight, Claude! You like my flower arrangement? Hahahah! Feeling florist. Lol! Made with love naman.” Sagot naman ni Tina sa Instagram story ni Claudine kinagabihan, nag-good night sila sa mga follower at ikinuwento na may slumber party  silang dalawa.

Marami naman ang natuwa sa mga tagahanga nina Claudine at Rico sa simpleng reunion ng mga taong nagmamahal sa aktor. Masayang-masaya rin sila dahil halatang pinahahalagahan pa rin ng aktres ang dati nitong kasintahan.

Ilan sa nagbigay ng komentaryo ang ilan netizen na masugid na tagahnaga nina Claudine at Rico:

“Wow, gandang tingnan na magkasama kayo sa family ni Rico. We are so happy,” ani @kristiljill_ig.

“Dami pa rin nagmamahal sa RYCB,” sabi ni @iamnorzsoliva.

“Yan po ang nakakapagpasaya sa mga taong patuloy na nagmamahal kay RY. RY will always be remembered. Kami nga po na mga fans patuloy pa rin siyang inaalala,” giit ni @vannehxii01.

Dinagsa din ng magagandang comment na “Forever RYCB.”

Samantala, kamakailan ay inamin ni Claudine na hanggang sa ngayon ay palagi pa rin niyang dala-dala sa puso niya ang bigat na dulot ng pagkawala ni Rico. Yun nah!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s