Camille Prats, hinahangaan ang kanyang kaibigan na si Angelica Panganiban

throy Catan

Ni: Throy Catan

camille prats

KAMAKAILAN sa isang press conference ng morning serye na Ang Forever Ko’y Ikaw nilinaw ng host at aktres na si Camille Prats na iba raw sila ng pinagdadaanan ng kanyang kaibigan at kapwa artista na si Angelica Panganiban.

Hinahangaan rin daw niya si Angelica dahil sa pagiging matatag nito sa buhay. Kuwento ni Camille: “And I admire her for being so strong and you know, moving on with life and believing na merong tao para sa kanya. Hindi pa lang siguro dumarating. Palagi kong sinasabi sa kanya na ang tanging dasal ko lang ay mahanap niya ang tunay na kaligayahan… whether it’s with somebody or just being alone.”

Ayon kay Camille, kasalukuyan silang madalas magkita ni Angelica dahil sa negosyo nina Angelica at kuya nitong si John Prats.

Na-touch din daw si Camille nang padalhan siya ni Angelica ng book na Para kay Ex na may kasama pang dedication.

Sabi pa niya, “Siguro si Angelica, nandoon pa siya sa point of finding her love, the love of her life. Ako, iba rin naman ang mga naging pagsubok ng buhay ko. So dun pa lang, parang medyo ang hirap naming ikumpara pagdating sa mga buhay na nailatag sa amin.”

Pahayag pa niya, “Pero sobrang hanga ako kay Angelica, kasi mas marami siyang narating sa buhay at mas naging matatag siya sa buhay espcially sa kanyang personal na buhay!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s