Jak Roberto at Sanya Lopez, nagbunga na ang kanilang pagtitiyaga sa showbiz

throy Catan

NI: Throy Catan

MASAYA ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez  dahil sa takbo ng kani-kanilang karir sa ngayon dahil finally halos nagbunga na ang matagal na nila pagtitiyaga sa showbiz. Sa ngayon ay kinakaya na ng magkapatid na Jak at Sanya ang mga gastusin sa bahay at nakakapag-relax na ang kanilang ina.

Una pumasok si Jak sa larangan ng showbiz  six years ago. Ang dahilan ng pagpasok ni Jak sa showbiz ay ang kagustuhan niyang bigyan ng magandang buhay ang inang si Marlin Roberto.

Sanya jak

Sa ngayon unti-uniti na itong natutupad na dati ay pangarap lang. Natutuwa raw si Jak na financially stable na sila ni Sanya kaya naman natutustusan na nila ang pangangailangan ng kanilang nanay.

Ayon kay Jak: “Si Mommy relax-relax na lang,””Magkahati kami ni Sanya sa gastos. Kami na rin nag-aayos ng mga bills. Sobrang saya po namin kasi kahit paano po natutupad na po namin ang pangarap namin siyempre kasama po ang mommy namin, kasi si daddy po matagal na din pong wala nasa heaven na po siya.”

Limang taon lamang umano si Jak noong namatay ang kanyang ama.

Sa isang post noong nakaraang taon, pinasalamatan ni Sanya ang kanyang kuya kasi from the very start tanging si Jak daw talaga ang tumayong pangalawang magulang niya mula ng maulila sila sa ama.

“Magkasama tayo sa lahat ng hirap at pagsubok sa buhay. Naging inspirasyon kita sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Walang magbabago hanggang sa mga pagtanda natin. I’m very grateful na kapatid kita. Salamat sa’yo, Kuya. Love you always!”

Nagpapasalamat naman sina Jak at Sanya sa kanilang manager na sina Frank Mallari at Alvin Fortuno na walang sawang sumuporta at naniwala sa kanilang kakayanan mula noon at hanggang ngayon. Sina frank at Alvin na daw ang tumayaong pangalawang magulang nila mula ng pumasok sila ng showbiz. yun nah!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s