Albert Martinez, na mi-miss pa rin ang kanyang yumaong asawa na si Liezel Martinez

throy Catan

Ni: Throy Catan

albert martinezHANGGANG ngayon sobrang na mi-miss pa din daw ng aktor na si Albert Martinez ang kanyang asawa na si Liezel Martinez. Halos tatlong taon na ang nakalipas simula noong pumanaw si Liezel, pero nanatiling single pa din daw si Albert hindi pa rin daw naghahanap ng bagong pag-ibig ang aktor na si Albert Martinez.

Ayon kay Albert simula noong sumakabilang buhay si Liezel dahil sa sakit na kanser noong 2015 ay ibinuhos na daw niya halos lahat ng oras niya sa trabaho. Dahil dito, sa tuwing may magtatanong kung handa na siyang magmahal muli o pumasok sa bagong relasyon ay mabilis na sumasagot ang aktor na hindi.

Paliwanag ng beteranong aktor: “Honestly, I’m not looking for it. Pero if it comes, God-given, why not? Pero now, hindi siya part ng consciousness ko to have someone. Kasi, I’m preoccupied na rin sa mga anak ko ngayon, and I’m so excited to see my granddaughter. Tapos, ang trabaho naman, dire-diretso,”

Dagdag pa ni Albert, hindi raw niya nararamdaman na dahil wala siyang special someone ay may kulang sa buhay niya. “Malungkot ako kasi wala na si Liezel sa buhay namin, mahirap na wala siya sa amin sa totoo lang! Nagpapasalamat na lang ako kasi kahit paano sunud-sunod ang aking trabaho. At least, kahit paano napupunan ang lungkot sa buhay namin, kaya thankful ako sa diyos!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s