Bea Alonzo, gaganap na madre sa bagong pelikula

throy Catan

Ni: Throy Catan

bea-alonzoEXCITED na ang actress na si Bea Alonzo dahil sa unang pagkakataon gaganap siya bilang madre at ito din ang unang pagsasama nila sa pelikula ng batikang actress at isa sa mga big bosses ng ABS-CBN kapamilya Network na si Ms. Charo Santos-Concio.

Nitong linggo nagkaroon ng pasilip si Bea para sa kanyang role matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan habang nakasuot ng pang-madre sa first day shooting ng pelikula nilang may working title na Eerie. Ani ni Bea: “Maraming ‘first time’ sa pelikulang ito… Kaya excited kaming lahat para sa pelikulang ‘to”.

Masaya si Bea dahil first time niyang sasabak sa isang horror film. First time niyang makakasama at makatatrabaho si Charo Santos-Concio at first time rin niyang gaganap bilang madre sa isang pelikula.

Sanay ang lahat na may love interest sa kanyang mga pelikula at teleserye ang aktres, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang nasasabik nang mapanood ulit sa big screen ang magaling na aktres.

Matatandaan, ang huling proyekto na ginawa ni Bea ay ang teleseryeng A Love To Last kasama sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s