Alden Richards, mas nanaisin pa rin na makapareha si Maine Mendoza

throy Catan

Ni: Throy Catan

alden maineKUNG si Alden Richards lang ang papipiliin mas gusto daw ng aktor na si Maine Mendoza pa rin ang nanaisin nitong makapareha sa bagong proyektong gagawin niya sa Kapuso Network.

Chika ni Alden sa ilang entertainment press: “Siyempre, doon po tayo sa nakasanayan, pero titingnan pa rin po natin kung ano talaga ang magiging turn-out! “Para sa akin kasi mas okay pa din sana kung si Maine ang kasama ko sa bagong proyekto, kasi iba pa din talaga si Maine. ”

View this post on Instagram

❤️❤️❤️

A post shared by Alden Richards & Maine Mendoza (@aldubmazing) on

Wala muna binigay na detalye si Alden sa nasabing proyekto niya kasi pupunta muna raw siya sa ibang bansa. Pagkatapos nito, saka pa lamang daw sila magmi-meeting ng GMA-7 management. Kuwento pa niya: “Bale aalis lang muna po ako for the US po, April 7 po, and April 8 show po in New Jersey and Toronto. And then, pagbalik ko po, mayroon na pong idi-discuss sa akin, hindi ko lang alam kung soap po ito o pelikula. So, ‘yun po, hinihintay ko lang po kung ano po talaga ‘yung mga final latag kasi first quarter pa lang naman po ng taon. So, hihintayin ko po from GMA kung ano po ‘yung final word with regards po sa soap opera. Nami-miss ko na po, eh. Nami-miss ko na pong umarte, “Kaya nga po excited na din po ako na makagawa muli ng serye.”

Kamakailan ay lumabas ang balita na hinahanapan na ng ibang ka-love team si Richards para sa Pinoy version ng Descendants of the Sun; ang hit Koreanovela kung saan naging lead stars ang Korean superstars na sina Song Joong-ki at ang misis na nito ngayon na si Song Hye Kyo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s