Hero Angeles, nami-miss na niya si Sandara Park

throy Catan

Ni: Throy Catan

sandara heroTAONG 2004 ng umusbong ang tambalan HeroSan mula sa Star Circle Quest Batch 1. Ang tambalan Hero Angeles at Sandara Park ang isa sa mga sikat ng taong ‘yun. Kamusta na kaya sila ngayon?

Halos 15 taon na rin ang nakararaan mula noong huling nagsama sa pelikula ang sina Hero at Sandara.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi Hero kay kuya Boy Abunda na matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng dating ka-love team at ka-batch sa Star Circle Quest na si Park.

Bungad ni Hero: “Hindi pa kami nagkakausap ulit [huling nagkita kami ay noong] 2006. Movie namin. Sa ngayon hindi pa talaga kami nagkikita or nagkakausap. Actually sobrang na miss ko na din siya kasama at ka-work!”

Tanong pa ni Kuya Boy, kung sakaling magkita muli sila ni Sandra, ano ang sasabihin niya sa singer-actress: “Hindi ko nga alam e.” Natawang sabi ni Hero.

Halos lahat ng ka batch nina Hero at Sandara sa Star Circle Batch 1 ay nagkaroon na kani-kanilang pamilya tanging sila na lang ni Sandara ang naiiwang  single, hudyat kaya ito na baka sila ang magkatuluyan sa isat-isa?

Samantala, ibinahagi niya ang isang nakatutuwang pangyayari noong papunta siya sa nasabing programa. “Ang nakakatuwa, noong papunta ako rito, nakasalubong ko si Direk Cathy. First director namin sa movie. Ta’s first movie niya kami rin ‘yong hinandle niya. Sabi nga niya sana magka-movie tayo ulit. Sabi ko, sana talaga.” Pagbabahagi pa niya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s