Jay-R Siaboc, niloko raw ng dati niyang manager? Pera at condo hindi nakuha ng dating singer!

throy Catan

Ni: Throy Catan

MATAGAL natin hindi nakita sa limelight ang Cebuano singer at Pinoy Dream Academy‘s 1st Runner Up na si Jay-R Siaboc. Nakausap ng SNI si Jay-R nitong Biyernes, Abril 6 sa Agusan del Sur kung saan isa siya sa mga pangunahin na guest sa Kadujawan Festival 2018.

Ayon kay Jay-R, halos nalimas daw ang lahat ng mga pinagpaguran niya mula noong nagsimula siya sa showbiz. Kasama na rito ang napanalunang condominium unit, at ang mga perang kinita niya. Dahil dito, nawalan siya ng ganang ipagpatuloy pa ang kanyang trabaho.

jay-r siaboc

Ang tinutukoy ni Jay-R na naglimas ng kanyang mga ipinundar ay ang kanyang dating manager na si Mario, Nawala raw lahat ng kinita niyang pera at nalaman din niya noon na magka join account pala sila na walang paalam. Bungad niya, “That time po kasi wala po talaga akong malapitan. So, akala ko ang manager ko ang tutulong sa akin dahil ako na lang po ang mag-isa noon sa Maynila. Iyun pala siya pala ang manloloko sa akin. Wala po talaga iyung iniwan sa lahat ng mga perang pinagpaguran ko sa showbiz.”

Meron ba siyang nilapitan na mga artistang kaibigan niya na nakasama niya noon? Kuwento pa niya: “Sa showbiz po wala ako nasabihan, pero sa non-showbiz po na kaibigan meron po siya po yun nag advise po sa akin na mag tanong tungkol sa mga perang kinita ko,nun time na yun kaya unti-unti kong tinanong akin manager sa lahat ng mga kinita ko kasama na din ang condo napanalunan ko , pero wala siyang  masagot at nalaman ko din na naka join account pala kami, natatandaan ko lang noon madalas may pinapirmahan siya sa akin na cheque ‘yun lang po yun natatandaan ko. “Ako naman po that time wala akong alam sa maynila laki po akong probinsiya kaya hindi ko alam ang mga nagagawa ko noon kung tama ba o mali ang mga desisyon ko, pero dapat bilang may manager ka dapat siya yun mag guide sayo ng tama, d po ba?”

Inaayos ba sila ng kanyang management ang Starmagic (ABS-CBN). “Yes po pinagharap po kami pero nung mga oras na yun nangako lang si kuya Mario (manager ni Jay-r), Mula noon niha-niho dedma na po siya, hanggang sa nawala na po kami ng kominikasyon hanggang ngayon.” Sabi pa ni Jay-R

Gusto pa ba niyang mabawi ang pera at condo? ” Sana po kung makukuha ko pa ang pera,especially yun condo para atlis magamit ko din po sa pamilya ko lalo na po sa dalawang anak ko. ” Giit pa niya.

Ano ang lesson ang natutunan niya sa buhay?” Sobrang dami po akong natutunan na nangyari po sa akin buhay , Siguro wag masyadong magtiwala  sa tao lalo na’t hindi mo ganon kakilala!” Patuloy pa niya.

May mensahe ka ba sa dati mong manager? “Siguro ingat na lang at sana huwag mo ng gawin sa ibang mga talento mo ang ginawa mo sa akin panloloko dapat matakot ka sa Karma. ” Maikling mensahe ni Jay-R.

Pinasikat noon ni Jay-R ang awiting “Hiling “ at nakapareha niya noon ang actress na si Maja Salvador sa seryeng Pangrap na Bituin at marami pang iba.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s