Mapapanood niyo na ang bagong Summer Station ID ng ABS-CBN ngayong Abril

throy Catan

Ni: Throy Catan

This summer, ABS-CBN encourages Filipinos to Just Love Araw-Araw with its new summer station IDPUNO pa rin ng mensahe ng pag-ibig at inspirasyon ang Just Love Araw-Araw Summer Station ID ng ABS-CBN na tampok ang 30 Kapamilya artists sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, at Vhong Navarro ng It’s Showtime, kasama ang  Singer 2018 contender na si KZ Tandingan, at ang The Voice PH coach na si Bamboo.

Mapapakinggan na ang ABS-CBN Summer Station ID sa Abril 7 (Manila time) sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Samantala, mapapanood naman ang ng aktwal na Station ID sa Abril 14 (Manila time) sa It’s Showtime.

Tulad ng Just Love Ngayong Christmas Station ID ng ABS-CBN noong Disyembre, hinihimok ng Just Love Araw Araw Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-kalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa. Sa nakaka-enganyo nitong liriko at himig, dala nito ay inspirasyon sa mga tao na magpakita ng malasakit habang nagsasaya ngayong tag-init at sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ilan pa sa nagbigay buhay sa bagong summer anthem ng bayan ay ang  It’s Showtime hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Amy Perez; Tawag ng Tanghalan (TNT)  hurados na sina Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, at Rico J. Puno; TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko Delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado, at Jovany Satera; maging ang mga Ms. Q and A’s finalists na sina  Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rhian Rianne Azares.

Isinulat ang Just Love Araw-araw ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at may dagdag na himig mula kay Jimmy Antiporda.

Naging tradisyon na ang ABS-CBN Summer at Christmas Station IDs ng Kapamilya network hindi lamang ng istasyon kundi pati sa mga Pilipino sa buong mundo dahil sa mga positibo nitong mensahe ng pag-asa at pagmamahal sa bawat awitin at video.

Abangan ang pinakabagong Summer Station ID at summer anthem na handog ng ABS-CBN tampok ang Kapamilya artists sa pangunguna ng It’s Showtime family. Magaganap ang launch ng lyric video para sa Just Love Araw-Araw Summer Station ID sa Abril 7 (Manila time) sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa facebook.com/KapamilyaTFC at sa TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s