JR Estudillo, ang bagong singer na dapat abangan

throy Catan

Ni: Throy Catan

jr2

SUNUD-SUNOD ang mga magagandang proyekto ang natatanggap ng baguhan na mangaawit na si JR Estudillo. Kilala siya bilang isang versatile na singer at kayang umawit ng mga kanta mula sa iba’t ibang genre katulad ng pop, alternative, ballad, soul, at jazz. Noong nakaraang taon ay isa siya sa mga mangaawit sa benefit concert na pinamatagang 11:11 The Season of Sharing na ginanap sa Crossroad Center sa Timog Avenue, ngayon ay may ilalabas siyang single.

Nakausap namin si JR tungkol sa kanyang future music career noong nag-guest siya sa radio show na Wow! It’s Showbiz sa Radyo Inquirer  ni Ms. F Fernan De Guzman last Monday, Mayo 7. Hindi namin maiwasan na ikumpara namin siya kay Alden Richards dahil halos magkamukha sila.

Nagsimula ang pagkahilig niya sa pagkanta noong college student pa siya sa Davao noong 2012. Nagtapos siya sa kursong Custom Administration sa Holy Cross of Davao College. Sa ngayon, graduating siya sa kursong Nursing sa Our Lady of Fatima University. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at ang kanyang trabaho bilang isang singer-actor. “Time management po talaga. Minsan mahirap po talaga kagaya noong nagte-taping po ako ng isang teleserye [na La Luna Sangre] sa [ABS-CBN]. May time na walang tulog, diretso sa school, diretso sa duty sa hospital. Pero naba-balance po kahit papaano dahil passion ko na rin po.” sabi niya.

Si JR ay dating miyembro ng boy band na Y-Fi. Noong 2014, sumali sila sa prestihyosong The World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa America, at umabot sila hanggang semi-finals. Sumunod na taon, bumalik sila sa Amerika para sumali ulit at nakuha nila ang Senior Vocal Group of the World Award.

Noong Marso 2018, kinanta niya ang kantang Gintong Pag-ibig na isinulat nina Alex at Aireen Hernandez sa songwriting competition na A Song of Praise (ASOP) sa UNTV. Nanalo sa weekly finals ang nasabing kanta.

Ang mga idolo niyang singer sa local ay sina Jason Dy, Daryl Ong, at Tj Monterde. Sa international naman ay si Ed Sheeran. Inamin din niya na crush niya sina  Liza Soberano, at Sarah Geronimo.

Tinanong namin kung anu-ano ang mga susunod niyang proyekto: “Bali may release po akongsingle. This month po iyun. Ang title po ay Ikaw Pa Rin. Ire-record na lang po siya. Si Sir Jeremy Sarmiento [ang nag-compose ng kanta], and arranged by Cacho Ferrero.”

Samantala, Abangan ninyo ang kanyang local at international tours at ang kanyang nalalapit na solo concert . Para sa karagdagang detalye, i-follow niyo siya sa Instagram and Facebook account. 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s