Rayantha Leigh, humahataw ang music career

throy Catan

By: Throy Catan

Rayantha_Leigh

FOURTEEN years old pa lang pero maraming natanggap na papuri at blessings sa baguhang singer na si Rayantha Leigh. Kamakailan lang, mahigit sa 10,000 downloads na ang kanyang bagong single na Laging Ikaw sa Spotify. Ni-release ang nasabing kanta noong last week lang, Mayo 7. Ang sumulat ng kanta ay si Kedy Sanchez under Ivory Music & Video.

Hindi lang ito ang ni-release niyang kanta. Noong nakaraang Disyembre, naging patok din sa mga listeners ang kauna-unahan niyang single na pinamagatang Nahuhulog na isinulat ni Gala Angeni Sanchez.

Last year ay marami na siyang natatanggap na papuri sa baguhang singer. Isa na rito ang pagkapanalo niya bilang Outstanding Female Recording Artist sa People’s Choice Awards noong Marso 17, 2017, at 2017 Most Outstanding Vocal Artist sa PC Goodheart Foundation Int’l. Inc noong Disyembre 2017.

Nabigyan din siya ng karangalan sa ibang bansa. Nanalo siya bilang Young International Artist sa World Class Excellence Japan Award noong Marso 2017 na ginanap sa Fukuoka, Japan.

Ngayon, isa siya sa mga endorsers ng sikat na skin care product na Erase.

Para sa iba pang detalye tungkol kay Rayantha at ang kanyang upcoming gigs, bisitahin ang kanyang opisyal na Facebook page. Puwede niyo rin pakinggan ang mga nakakakilig niyang mga kanta sa Spotify.

Rayantha Leigh spotify

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s