Pangalawang presscon tungkol sa diumanoy Estafa at Slander case laban kay Kathy Dupaya

throy Catan

Ni: Throy Catan

MAINIT na usapan ang nanyari sa pangalawang press conference tungkol sa diumanoy Estafa at Slander case laban kay Brunei-based Filipino businesswoman na si Kathy Dupaya. Nanyari ang nasabing presscon kahapon ng umaga, Hunyo 2, sa Max’s Restaurant sa Roces Ave.

Kasama sa presscon sina Atty. Ferdinand Topacio, Lambert LopezMike Jalandoni, Jasmin SySusan Ortega, at Ynez Veneracion. Hindi nakapuna ang Lord of Perfume na si Joel Cruz dahil kasalukuyan itong nasa Los Angeles, California.

May Warrant of Arrest daw si Dupaya noong 2008

Pinag-usapan ang tungkol sa Warrant of Arrest kay Dupaya galing sa Pasay City noon pang 2008. “Yes, meron na. May Warrant of Arrest na. Lumabas sa Pasay City. Actually, nang 2008 pa itong warrant na ito. Hindi [pa ito ang finayl namin na warrant]. Ang amin ay Quezon City. Puwera pa ang ifa-file ni Mike, ni Susan, at ni Ynez. Kaya pagnanyari ito ‘mai-Ynez’ siya.” Sabay tawa ni Atty. Topacio.

 

Reaksyon ni Joel Cruz tungkol sa expired na mga pabango

Itinanggi ng lawyer ng Aficionado Perfume na si Atty. Jasmin Sy na expired ang kanilang mga produkto at hindi raw sila nagbabayad sa BIR. “Umpisahan kong sabihin na walang produkto na dineliver kay Ms. Dupaya na expired. Si Ms. Dupaya ay may limang transaction sa aming kumpanya simula 2016. Lahat ito ay may in-voices at receipts na puwede pa niyang i-check pa sa BIR. Nagsa-submit din kami nang lahat ng collection receipts, in-voices, and tax returns.” Sabi ni Jasmin.

“Noong sinabi ni Ms. Dupaya… at nanakot siya na isusumbong niya kami sa BIR. Go ahead, Ms. Dupaya. Ready po kami ibigay ang lahat ng ebidensya,” Matapang na sambit ni Atty. Jasmin.

Kathy Dupaya

Kahit na nasa LA si Joel Cruz ay hindi rin nagpaawat na sabihin ang kanyang saloobin via phone call tungkol sa paninira raw ni Dupaya sa Aficionado. Itinanggi ni Joel na expire ang kanyang mga produkto. Itinanggi rin niya na dalawang milyong piso ang halaga ng pabango ang na-expired, kundi PHP 590,000 worth na pabango lang ang nabili ni Dupaya.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, hindi nage-expire ang produkto hanggang isang taon at dalawang buwan. “Ang sagot po na pinapatunayan lahat dito [sa ebidensya] ay walang dineliver na expired. Lahat nang dineliver sa kanya one year and two months before expiration. Ngayon kung hindi niya nabenta o naipit sa kanya o naitago niya at na-expire sa possession niya, kasalanan niya. Hindi namin kasalanan.”

 

Tungkol sa malisyosong post sa social media account ni Ynez Veneracion

Samantala, ibinahagi ni Ynez Veneracion ang kanyang saloobin tungkol sa issue na sinabihan na ‘scammer si Kathy Dupaya’ sa social media, “No, hindi totoo iyun… Nag-post po ako… Sabi ko ho ganoon na magkakaroon po ako ng presscon about the Ignite [Regine Tolentino dance concert] show. Sabi ko magsasalita ba ako sa press kasi hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang pera ko. Iyun po ang nilagay ko sa post ko,”

“Ito po ang pagkakasabi ko. Eksaktong pagkakasabi: ‘Feeling ko nai-scam ako’. Pero wala akong sinabi na ‘ini-scam ako ni Kathy Dupaya’. Iba po iyun… Karapatan ko po iyun, eh. Iyun ang nararamdaman ko na feeling ko na-scam ako kasi hindi ko pa nakuha ang pera ko,” Dagdag pa niya.

Kathy Dupaya1

Itinanggi ni Mike Jalandoni ang paratang laban sa kanya

Naungkat muli ang kasong theft laban sa businessman na si Mike Jalandoni, pero itinanggi niya na nagnakaw siya ng mamahalin na 3-karat na diamond at branded na bag na pag-aari ni Dupaya noong Abril 2017. Kinuwestyon din niya kung bakit hindi ni-report agad ni  Dupaya ang nanyaring nakawan sa mga pulis. Ibinanggit din niya ang tumalbog na dalawang tseke mula kay Dupaya. Kabayaran sana ito sa utang niya kay Jalandoni. Sa susunod na linggo, magfa-file si Jalandoni ng Libel at Fraud.

 

Hindi pa rin mabayaran si Sarah Ortega

Hindi lang si Mike Jalandoni ang nagpakita ng ebidensya na nag-bounce ang tseke, pati na rin si Sarah Ortega. Ikinuwento ni Sarah na ilang beses na niyang tinatanong kay Dupaya kung nasaan ang pera ni niya.

Pinakita sa media ang promissory note na may pirma ni Dupaya kung saan pinangako niya na babayaran niya si Sarah. Nangyari ang kasunduan noong Marso, hanggang sa hindi na mabayaran ni Dupaya si Sarah.

 

Ang pag-uusap nina Ynez at ang anak ni Dupaya na ‘special child’

Itinanggi ni Ynez na sinadyang dinadamay ang anak ni Dupaya na special child. Ayon kay Ynez, worried at concerned lang siya sa mga pino-post na depressing messages ng bata sa social media, “[Linawin ko lang po,] hindi po siya special child. Deaf po siya. May 1 po, hindi pa po kami nagkakaroon ng problema. Iyung anak po niya, nagpo-post po ng mga depressing messages sa FB wall niya. Medyo close po kami ng anak niya. Nagte-text-text po kami. So, worry ako. Tinext ko siya, minesage ko siya sa FB, at sabi ko ‘Hi, how are you? Are you okay?’. Nag-reply po sa akin ang anak niya at ang sabi ‘I’m not okay. My mom bad.'” Sambit ni Ynez habang hawak ang print-out ng usapan nila.

“Sabi ko, ‘Why?’… What happened?. Kasi naaawa ako. Pero ang dahilan lang po niya ay hindi siya binibigay ng sustento kasi nga nagka-casino raw.” Dagdag ni Ynez.

Kathy Dupaya2

Last year, matatandaan natin na nag-rant si Dupaya sa kanyang Instagram account tungkol sa sinabi raw ni Pia Wurtzbach na peke raw ang nabigay ni Dupaya na Hermes bag. Nagkabati rin sila pagkatapos ng isang Linggo.

Sa mundo ng showbiz, kilala si Dupaya bilang isang Pilipinong businesswoman sa Brunei, at iniimbitahan niya sa mga business-related events sa Brunei ang mga sikat na artista mula Pilipinas. Isa na rito ay sina Diane Medina, Miss Universe Maxine Medina, Rodjun Cruz, Miss World 2013 Megan Young, Miss International 2016 Kylie Verzosa, Ara Mina, at Sunshine Cruz, na isa sa mga nagreklamo ng Estafa laban kay Dupaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s