Anak ni Allona Amor na si Nash Tillah, sasabak na rin sa showbiz

throy Catan

Ni: Throy Catan

NUNG Sabado July 16, nag-perform ang aking anak-anakan na si Nash Tillah para sa kanyang recital sa Teatrino,Greenhills. Isa siya sa mga mag-aaral ng voice lesson sa Grand Music Palace Philippines, isang kilalang entertainment company na nagbibigay ng murang music course sa voice, piano, guitar, violin, and keyboard owned by our dear freinds Roger de Leon and Prof Ryan Manal.  Isa sa mga sikat nilang estudyante ay sina Tori Garcia, Ronnie LiangAljur AbrenicaSofia AndresGeoff Eigenmann, at marami pang iba.

Nagtanghal siya kasama ang mga kaklase niya sa workshop. Kasama na rin dito ang recording singer na si Erika Mae Salas. Nag perform sila ng Musical na Grease na pinasikat noon nina Olivia Newton-John (bilang Sandy Olsson) at John Travolta (bilang Danny Zuko). Ang gumanap na Danny Zuko ay si Nash at ang gumanap na Sandy Olsson ay si Erika.

Hindi lang ang mga kanta ng Grease ang kanilang kinanta. Todo-bigay sila sa pagkanta at pagsayaw sa mga sikat kanta noong dekadang 70. Isa na rito ang kantang Macho Man ng YMCA, at Tayo’y Magsayawan ng VST & Co.

Si Nash ay panganay na anak ni Allona na sumikat noong late 90’s na ngayon ay aktibo pa din kapag may offer ng mga projects. Sa ngayon ay pinagsasabay  ng aking inaanak  ang pag-aaral at ang kanyang career bilang teen model at singer, pero siyempre prioridad pa din ni nash ang skul.

Sa unti-unting pagpasok ni nash sa mundo ng showbiz ay hindi naman ito kataka-taka dahil nasa dugo na niya ito dahil na din sa kanyang mommy A.  At the age of 4 years old nakitaan na namin ng malaking potensyal sa pag-arte, kanta ,sayaw at pag modelo ang aking guawapong inaanak na si Nash. We’ll kung tutuusin hindi na bago ito sa kanya dahil bata pa lang siya ay napasabak na din siya sa mga ilan stage play at pagmo-modelo.  Sa ngayon patikim pa lang muna ang kanyang performance dahil tiyak marami pa yan kasunod ng mga shows at projects na matatanggap.

Samantala, ilan sa mga naging panauhin ng gabing yun na nagpasabog ng performance ang Timeless Diva na si Dulce. D rin nagpakabog ang cute duo na si Kikay Mikay na sumporta sa productions number ng recording artist na si Rayantha Leigh .Sumuporta din ang Host, Singer/ Actress (Singapore’s Sweetheart) na si Tori Garcia sa nasabing recital ng GMPP na naging bahagi din siya two years ago.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s