James Reid, excited na sa pelikulang Pedro Penduko

nonie nicasio
Ni: Nonie V. Nicasio

SINABI ni James Reid na isang karangalan para sa kanya ang gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula dahil isa ito sa mga paboritong Pinoy superhero ng mga manonood.

“I’m very honored to play a Filipino super-hero, I’m very nervous din, iba yung story nito sa past Pedro Penduko… Actualy, it’s just not a superhero movie, it has social relevance,” saad ni James.

Aminado si James na bata pa lang ay dream na niyang gumanap bilang isang super hero. Kaya magkahalong excitement daw at kaba ang nararamdaman niya sa pelikulang ito. Nabanggit pa niyang isang karangalan ang gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula dahil isa ito sa mga paboritong Pinoy superhero ng mga manonood. Excited na raw siya para sa naturang pelikula na ayon sa aktor ay kakaiba sa mga naunang versions ng Pedro Penduko.

Pahayag niya, “Iba yung story nito sa past Pedro Penduko. I feel the pressure, it’s such an amazing project. I’m trying my best, but I’m not the only one. A lot of actors will be doing big roles and I’m more excited than nervous.”

Masasakyan daw ng millennials ang bagong version nila ng Pedro Penduko na pamamahalaan ng award-winning director na si Treb Monteras. “It will appeal to millennials. It’s a new story, it’s a new beginning and would focus on where he gets his power and I’m happy with it.”

Unang gumanap na Pedro Penduko si Efren Reyes Sr., sumunod sina Ramon Zamora, Janno Gibbs, at Matt Evans. Posibleng mapanood ang Pedro Penduko sa last quarter ng 2018. At bilang paghahanda, nag-aaral ng martial arts si James para sa kanyang matitinding eksena.

Ang karakter ni James ay nilagyan ng modern twist na nagre-redefine at para maging relevant superheroes para sa kasalukuyang henerasyon.

Ang nasabing proyekto ay sa pakikipag-isa ng gumawa ng Pedro Penduko, isang Filipino comic book character na binuo ni National Artist for Literature Francisco V. Coching, maisasabuhay na ito at mas mabibigyan ng magandang kulay. Nakipagsosyo ang Epik Studios sa Viva Entertainment at Cignal TV para gumawa ng mahigit 50 ordinary comic book characters para mas mapalapit sa puso ng mga Pinoy na mahilig sa Kuwentong Bayan.

Ang Cignal TV ang maghahandog ng Pedro Penduko at ng iba pang nakapangingilabot na karakter sa pamamagitan ng pelikula at serye. Sila rin ang mamamahagi nito sa iba’t ibang klase ng platform tulad ng DTH, IPTV, OTT at iba pa. Ang partnership ay hanggang sa paghahatid din ng video entertainment dahil nag-venture rin sila sa merchandising at gaming.

Samantala, marami pang nakalinyang proyekto ang Epik Studios para maihatid muli ang iba pang istorya ng mga folk heroes tulad nina Bernardo Carpio, Maria Makiling, at iba pa. At tiyak ito’y mabibigyan ng bagong mukha at hitsura dahil sa mga batang nobelista at animator.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s