Lance Raymundo, kaliwa’t kanan ang projects!

nonie nicasio
Ni: Nonie V. Nicasio

HUMAHATAW muli si Lance Raymundo dahil kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon, kaya naman nagpapasalamat ang actor/singer sa Viva dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanyang showbiz career.

“Actually, happy ako ngayon kasi parang ngayon ko nararamdaman na talaga yung Viva is already beginning to push me. So, minsan talagang pana-panahon and then lately talagang naging pursigido sila sa akin. Nagsimula yun nang lumabas ako sa Ang Probinsyano. After that, series of hosting jobs, di ba lahat ng mga FAMAS events ako yung nakuha, as in lahat. Except for the final night kasi final night, ABS CBN yung kumuha ng telecast, yung nilagay nila siyempre si Piolo Pascual, which sa akin is a good. Parang, of course, si Piolo yung kukunin.

“Ako naman, napasali pa rin ako bilang presenter, so lahat ng FAMAS event from launch hanggang nominees night, finals night, kasama ako. So I’m thankful sa FAMAS Group din,” saad ni Lance.

Bukod sa abala sa hosting job sa mga beauty pageants at oba pang events si Lance, excited din siya sa sa kanyang singing career. “Sa music, iyon yung talagang na-excite ako, kasi yun nga. Yung pinakaunang salang nila sa pagbalik sa akin sa concert na singer ako is yung napasali ako sa Brigade Eskwela, which is a year round na parang campaign of all schools nationwide. ‘Tsaka the video is online rin… nakakatuwa kasi tatlong Star Magic, tapos ako lang yung taga Viva roon. Kasi dalawang pair iyon eh. Iyong Star Music talent na si Martin V, kapartner niya si Trina Legaspi. Ako naman yung kapartner ko is Michelle Vito.

“Isang Bansa, Isang Brigada, iyon yung title. Tapos yung pinaka-national launch nga, nangyari sa Gensan, talagang pinapunta kami roon. Unfortunately nga yung mga tiga-Star Magic ay hindi nakapunta, pero roon ko nasubukan talaga yung- you know, how to carry a show. Kasi apat dapat kami, pero naano naman, nadala ko naman yung buong show.”

Excited din si Lance sa gagawin niyang single para sa Viva na siya mismo ang nag-compose. Kasalukuyang pinaghahandaan din ni Lance ang bago niyang play titled Veronidia na pamamahalaan ng batikang actor/director na si Lou Veloso at gaganapin sa bubuksang Sta. Ana Center for Arts. Makakasama rito ni Lance ang classical singer na si Rare Columna at ayon sa actor/singer, ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya, so far.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s